Wage hike study pinapapaspasan ni Sen. Joel Villanueva

By Jan Escosio May 01, 2023 - 08:48 AM

Pinamamadali ni  Senator Joel Villanueva sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at maging sa Kongreso ang pag-aaral sa mga panukalang pagbibigay ng dagdag na sahod sa mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagbangon mula sa epekto ng COVID 19 pandemic.

Sinabi ni Villanueva na nararapat na tumbasan ng mabilis na aksiyon at pagkilala ang pagsusumikap ng mga manggagawa na pagkasyahin ang sahod sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Bukod sa konsiderasyon sa dagdag na sUweldo, iginiit ni Villanueva ang pagbibigay ng sapat na tulong sa mga maliliit na mamumuhunan at pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Isinusulong ng senador ang pagkakaroon ng suweldong angkop sa pamumuhay o living wage kasabay ng paghikayat sa Department of Labor and Employment (DOLE) at National Economic and Development Authority (NEDA) na pag-aralan ang tamang pamantayan upang matukoy ang sapat na living wage para sa mga manggagawa.

Binigyang-diin din ng mambabatas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas marami pang disenteng trabaho at matigil na ang kalakaran ng kontraktuwalisasyon, sa pribado man o sa gobyerno.

TAGS: endo, wage hike, workers, endo, wage hike, workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.