Pangulong Marcos Jr., may Labor Day gift sa mga manggagawa
Kasabay nang paggunita ngayon ng Araw ng Paggawa, may regalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga manggagawa.
Ayon sa Pangulo, nilagdaan na niya ang isang Executive Order na kung saan iaangkla na ng Pilipinas sa International Labor Organization (ILO) ang sektor ng paggawa sa bansa.
Paliwanag niya, susunod na ang Pilipinas sa international labor standards.
Natukoy na aniya ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saang parte ng sistema sa paggawa mahina ang Pilipinas at inayos na ito ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Samantala, may alok na 73,000 na trabaho ang DOLE sa ibat ibang job fair na isinagawa sa buong bansa.
Mayroon ding inilaan na P1.8 bilyong pondo na ipinang ayuda ang DOLE sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.