Bilang ng Grade 11 enrollees ngayong school year, posibleng tumaas pa ayon sa DepEd
Posibleng madagdagan pa ng mahigit isang milyon ang bilang ng mga estudyanteng papasok sa Grade 11 para sa School Year 2016-2017.
Ito ay dahil aabot pa sa 1,600 na paaralan ang hindi pa nakapagsusumite ng kanilang report kaugnay sa enrollment sa Grade 11 o senior high school.
Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, sa nasabing bilang, aabot sa 691,000 ang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan gaya ng DepEd funded schools at public universities at colleges.
Nasa mahigit 317,000 naman ang bilang ng mga nag-enroll na Grade 11 students sa private schools.
Batay sa Learner Information System ng DepEd, pinakamarami ang kumuha ng Academic track na aabot sa 610,000 na sinundan ng Technical-Vocational-Livelihood track na umabot naman sa 394,999.
Aabot naman sa 2,728 ang pumasok sa Arts and Design track habang 1,573 naman sa Sports track.
Tiwala naman si Luistro na madadagdagan pa ang bilang ng mga Grade 11 enrollees lalo na ngayon na magpapatuloy pa rin hanggang August 31 ang pagtanggap ng mga mag-eenroll na estudyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.