Mismong si Lim ang nagkumpirma nito dahil sa naging desisyon ng Comelec en banc na palawigin hanggang June 30 ang deadline ng pagsusumite ng Statement Of Contributions and Expenditures o SOCE.
Ngunit sa kabila nito, hindi pa nagbibigay ng malinaw na paliwanag si Lim kaugnay ng kanyang pagbibitiw.
Ang tanging pahayag lamang ng Comelec commissioner ay hindi nito tanggap ang “policy shift” ng ahensya.
Matatandaang humiling sa Comelec si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na i-extend ang paghahain ng SOCE matapos hindi makapagsumite sa itinakdang deadline ng ahensya.
Isa sa mga commissioner si Lim na bumoto kontra sa hiling na extension ni Roxas para sa deadline ng paghahain ng SOCE.
Pero sa botong 4-3, pinaboran ng Comelec en banc ang pagpapalawig sa filing ng SOCE hanggang sa katapusan ng buwan.