P150 wage hike petition tutukan ng Senado – Jinggoy

By Jan Escosio May 01, 2023 - 08:02 AM

Sinigurado ni Senator Jinggoy Estrada na sa pagbabalik ng sesyon ngayong Mayo ay sisimulan na ng kanilang komite ang pagtalakay sa  panukala ni Senate President Juan Miguel Zubiri na P150 legislated nationwide across-the-board wage hike.

Ayon kay Estrada, ang namumuno sa Senate Committee on Labor,  magpapatawag siya ng pagdinig maging sa iba pang mga nakabinbing panukala para sa benepisyo ng mga manggagawa.

Sinabi ng senador na partikular din niyang aalamin sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa iba pang stakeholders kung kakayanin ang P150 na dagdag sahod.

Ipinaliwanag ni Estrada na dapat ibalanse sa kapakanan ng mga manggagawa ang kakayanin din ng mga kumpanyang magbigay ng umento.

Inalala pa nito noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo, ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang P125 legislated wage hike subalit sa huli ang binawi ng mga kongresista ang kanilang bersyon kaya’t hindi ito tuluyan itong naging batas.

TAGS: Senate, wage hike, workers, Senate, wage hike, workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.