Mandatory mask use inaaral ni Pangulong Marcos Jr. na ibalik

May 01, 2023 - 07:46 AM

AFP PHOTO

Ikinukunsidera ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa bansa.

Bunga ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa loob ng eroplano habang nasa biyahe mula Manila patungo sa Washington D.C., sinabi nito na kukunsultahin niya muna ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Department of Health (DOH)  ukol sa naturang plano.

“I hope we don’t we have to but we might and I hope not,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na na kinakailangan na magsagawa muli ng special vaccination sa mga bata para mabawasan ang bilang ng mga tatamaan ng COVID-19.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na marami ang nahihirapan ngayon dahil sa matinding init kung kaya mas makabubuting paigtingin ang prevention.

TAGS: Chona Yu, Chona Yu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.