Hontiveros umaasa ang paghahain ng panibagong diplomatic protest kontra China
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Inaasahan ni Senator Risa Hontiveros ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China kaugnay sa panibagong “harassment incident” sa West Philippine Sea.
“This was just the latest in a continuous, unbroken, and apparently unrepentant string of incidents that China should be accountable for,” ani Hontiveros.
Dagdag pa ng senadora, inaasahan din niya ang pagkondena ng Malakanyang sa insidente na nasaksihan mismo ng international media.
Diin niya hindi na dapat hintayin pa ng Malakanyang na magkaroon pa ng panibago o mas matindi pang katulad na insidente.
Ngayon, dagdag pa ni Hontiveros, ang panahon para pumasok ang Pilipinas sa mas malawak na pakikipag-alyansa at pakikipagkaisa laban sa pambu-bully ng China.
“A broader alliance is a better alliance. Let us urgently work on building this bigger coalition of countries who are against China’s misbehavior, who uphold our victory at The Hague, and who want to preserve peace and stability in the region,” sabi pa nito.
Pagdidiin din nito, dapat na rin busisiin ang polisiya ukol sa pakikipagrelasyon sa China.
“Kailangan may mga polisiya tayong magtitiyak ng tunay na pagdedepensa sa karapatan at kabuhayan nating mga Pilipino.