Pagkawala ng laman ng GCash sa SIM registration, hindi totoo
By Jan Escosio April 28, 2023 - 04:47 PM
Kasabay nang paghihikayat sa mga subscribers na irehistro ang kanilang SIM ang pagkalat din mga maling impormasyon.
Kabilang na dito ang pagkawala ng laman ng GCash accounts at ayon sa Globe ito ay walang katotohanan.
Ayon sa GCash, ligtas ang accounts kahit hindi pa mairehistro ang SIM.
Diumano ang “fake news” ay mula lamang sa mga indibiduwal na nais guluhin ang adhikain ng SIM Registration Law gayundin ang layon ng GCash na ng digital financial services sa mga Pilipino.
Payo ng GCash pumunta lamang sa kanilang mga official social media accounts at website.
Abiso rin nila na kung hindi makapagrehistro may paraan para ma-access ang pondo o pera.
Una ay pumunta sa official GCash Help Center at kausapin lang si Gigi.
Kasunod, gumawa ng bagong GCash account na konektado sa bagong numero at siguraduhin na fully verified ito.
Pangatlo, siguruhin na rehistrado na ang bagong numero upang masiguro ang proseso ng pag-transfer ng pondo at maayos na pag-access sa bagong GCash account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.