Children’s vaccination strategy pinabubuo ni Binay sa DOH, LGUs
Hinimok ni Senator Nancy Binay ang Department of Health (DOH) at ang mga local government units (LGUs) na bumalangkas ng mga istratehiya at life-saving interventions para lumubo ang bilang ng mga bakunadong bata sa bansa. Pagdidiin ni Binay kinakailangang magdoble kayod ang lahat para masakop na ng immunizatiom campaign ang mga zero-dose children at palakasin pa ang “patak” immunization coverage sa barangay- at school-levels. Aminado ang senadora na nakakabahala ang impormasyon ng UNICEF na lumilitaw na isang milyong bata ang nalalagay sa panganib at hindi protektado dahil wala ni isang bakuna sa gitna ba rin ng pagbabalik ng iba’t ibang uri ng sakit kasama na ang mga COVID variants. Iminungkahi pa ni Binay na rebisahin ang ‘patak’ strategies, at maglagay ng matatag na makinarya upang matiyak na magiging epektibo ang pagbabakuna sa may isang milyong batang edad dalawang taon pababa. Sa ulat ng UNICEF, ika-lima ang Pilipinas sa mga bansang itinuturing na “zero-dose” sa buong mundo at pangalawa sa East Asia and the Pacific Region dahil na mahigit isang milyong bata ang wala pang bakuna ang mga ito laban sa kahit anong sakit. Aniya kailangang magtulungan ang national at local governments para maipagpatuloy ang routine immunization programs upang maresolba ang mga balakid sa pagbabakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.