Poe pinakikilos ang Water Board sa water interruption
By Jan Escosio April 28, 2023 - 01:03 PM
Inaasahan ni Senato Grace Poe na aaksyon na ang Water Resources Management Office (WRMO) para tugunan ang water service interruption na nararanasan ng ilang kabahayan at negosyo.
Kasunod ito nang pagpapalabas ng Malakayang na ng executive order.
Giit ng namumuno sa Senate Committee on Public Services na sa panahon ng tag-init, ang kawalan ng tubig na inumin, pampaligo o gamit sa opisina at negosyo ay malaking sakripisyo.
Taun-taon naman aniya ang tag-init, kaya dapat nagkaroon na ng mahusay na plano at implementasyon para masigurong hindi mauubusan ng tubig ang bawat gripo.
Umaasa ang senadora na sa pamamagitan ng paglalagay ng WRMO sa ilalim ng department of environment and natural resources (DENR) ay mabibigyan ng prayoridad ang problemang ito.
Sa bahagi ng Senado , isusulong aniya nila na maisabatas ang pagbuo ng isang hiwalay na Departament of Water Resources para matutukan ang epektibong water resources management at matiyak ang sapat na suplay ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.