Digital transformation target ng COA sa susunod na pitong taon
By Chona Yu April 28, 2023 - 11:33 AM
Sa susunod na pitong taon ay target ng Commission on Audit (COA) na gawing digital na ang proseso ng kanilang pag-audit.
Ito ang natalakay sa idinaos na planning conference ng COA na pinangunahan ni Chairperson Gamaliel A. Cordoba at nilahukan ng nasa 140 na senior COA officials.
Sa nasabing pagtitipon, ibinahagi ni Cordoba ang kaniyang ten-point agenda para maisulong ang digital transformation ng state audit.
Kabilang dito ang pagbuo ng government accounting system na nakasusunod sa international standards; paggamit ng e-audit at pagpapabuti pa ng audit techniques.
Target din ni Cordoba na na magkaroon na ng automated audit system para sa e-collections at e-payments at paggamit ng artificial intelligence (AI).
Ang target na ito ng COA ay base sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makamit ang digitalization sa bansa.
Kasama din sa ten point agenda ni Cordoba ang maitugma ang kasalukuyang rules and regulations ng ahensya sa makabagong panahon.
Kabialng dito ang layong mai-update ang audit guidelines para sa e-payment para masakop ang mga kontrata na pinapasok ng mga ahensya ng gobyerno sa mga social media platforms.
Gayundin ang layong maisailalim sa pagsasanay ang mga auditor at agency personnel na sangkot sa financial transactions para madagdagan ang kanilang kaalaman sa accounting at auditing rules and regulations.
Nais din ni Cordoba na mapunan ang mahigit 5,000 bakanteng posisyon sa komisyon.
“COA has long held the respect of the public and government agencies as an institution that zealously safeguards the nation’s coffers. Here and abroad, you are known for your exemplary performance of duties and responsibilities with excellence, skill and integrity. I hope to lead you to build capacities and capabilities to audit areas that have not previously been emphasized or highlighted such as the audit of PPP projects. Moreover, we are now moving into modernizing audit through leveraging technology. I hope that we will be able to take a step further, enabling a technology driven government accounting system, digitizing government transactions in partnership with all government agencies and paving the way for e-audit as the manner of conducting audit,” ayon kay Cordoba. (DDC)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.