Bato may irerekomendang mga pag-amyenda matapos ang Degamo killing hearing

By Jan Escosio April 28, 2023 - 08:28 AM

 

Ibinahagi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na may mga posibleng “legislative measures” at “policy reforms” siyang irerekomenda matapos ang tatlong sunod na pagdinig ukol sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Aniya ang naiisip niyang irekomenda na amyendahan ay ang Ominubus Election Code, partikular ang may kinalaman sa nuisance candidates, ang Local Government Code, para matiyak na ang kapangyarihan sa pagtatalaga ng police provincial directors ay nasa PNP at wala sa mga pulitiko, gayundin sa Firearms Law.

Dapat din aniya magkaroon ng matibay na batas laban sa pagbuo ng private armed groups (PAGS) at ang paggawa ng parusang kamatayan sa mga security personnel na nakakagawa ng mga karumaldumal na krimen.

Dagdag pa ng senador, dapat ay higpitan pa ang regulasyon sa pagbebenta ng  military at police uniforms, pagsubaybay sa mga  dishonorably discharged military personnel, pag-imbentaryo sa loose firearms, at ang pagbabago sa Philippine National Police Standard of Procedures sa pagharap sa mga reklamo.

“As always, we emphasize that this is in aid of legislation. Paano ba makakatulong ang Senado? Anong mga polisiya ang kailangang gawin at anong batas ang kailangan nating amyendahan?” ani dela Rosa.

Ibinahagi ng senador ang mga ito bagamat hindi pa tapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

TAGS: bato dela rosa, Killings, Murder, news, Radyo Inquirer, bato dela rosa, Killings, Murder, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.