Pinagbigyan ng isang korte sa Muntinlupa City ang petisyon ng mga abogado ng gobyerno na magkaroon muli ng paglilitis sa isa sa dalawang drug case ni dating Senator Leila de Lima.
Sa utos na may petsang Abril 24, pinabubuksan muli ng Muntinlupa RTC Branch 204 ang case 17-165 at nagtakda muli ng pagdinig sa Abril 28.
Matutuloy naman ang una na nang naitakdang araw ng promulgasyon sa Mayo 12.
“While the Court will allow the presentation of rebuttal evidence, the promulgation set on May 12, 2023 shall be strictly maintained so as not to cause any delay in this case,” ani Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara.
Sa naturang kaso, pinagbintangan si de Lima nang pagtanggap ng P10 milyon noong 2012 mula sa illegal drug trading sa loob ng pambansang piitan.
Sa mosyon ng panig ng prosekusyon, hiniling nila na mabuksan muli ang kaso para sa pagususimte ng dagdag ebidensiya at pagpapaharap sa kanilang bagong testigo si Atty. Demiteer Huerta ng Public Attorney’s Office.
Tumutol ang kampo ni de Lima sa katuwiran na may kasunduan nang isara ang kaso para sa pagdedesisyon sa Mayo 12.