16 na mangingisda nasagip ng PCG sa Oriental Mindoro

(PCG photo)

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at PNP Maritime Group ang 16 mangingisda sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Ayon sa PCG, nagkaaberya ang makina ng FBCA Princess Ricamae.

Ayon kay Rowell Bones, kapitan ng barko, galing sila sa Rosario, Cavite at patungo sana ng Estancia, Iloilo para mangisda.

Pero nagkaaberya ang makina ng barko dahil pumalya ang injection pump habang nasa bisinidad ng Baco Chico Island, Calapan.

Hinatak na ang barko sa baybayin ng Brgy, Taguihan, Pola.

 

Read more...