1st storm surge drill, isasagawa sa Maynila

July 14, 2015 - 04:22 PM

infograph_stormsurgeDahil sa tumitinding pangambang dulot ng Climate Change, uumpisahan na ng PAGASA-DOST ang “Storm Surge at Flood Drill” sa bansa.

Sa July 19, gaganapin ang kauna-unahang storm surge drill sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Dr. Vicente Malano, ang Baseco ang napili nilang lugar dahil ito ang isa sa maaring makaranas ng hagupit ng storm surge o ‘daluyong’ sakaling rumagasa ito sa Manila Bay.

Sinabi ni Dr. Malano na regular na isasagawa ang storm surge drill partikular sa mga lugar malapit sa mga baybaying dagat.

Matatandaang libu-libong katao ang namatay dahil sa umabot ng hanggang pitong metrong taas ng daluyong ang rumagasa nang dumaan ang  Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas noong 2013./ Jong Manlapaz

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.