Anak ni Duterte huli sa Davao City dahil sa overspeeding
Hindi nakaligtas sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum speed limit sa Davao City ang anak ni President-elect Rodrigo Duterte.
Nahuki si si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte dahil sa overspeeding sa Bangkal, Davao City, Biyernes ng umaga.
Sa post sa kaniyang Facebook Page, ipinakita ni Vice Mayor Duterte ang Temporary Operator’s Permit (TOP) mula sa Land Transportation Office (LTO) na inisyu sa kaniya matapos lumagpas sa itinakdang speed limit.
Nakasaad na umabot sa 57 kph ang bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyan gayung 40 kph lamang ang maximum speed limit na itinakda.
Paliwanag ng vice mayor, nagmamadali siyang makauwi dahil galit na ang kaniyang misis.
Ito aniya ang unang pagkakataon na nahuli siya dahil sa paglabag sa traffic law.
Noong 2014, ang kapatid niyabg si Sara Duterte ay nahuli din sa bahagi ng Quimpo Boulevard dahil sa overspeeding.
Sa City Ordinance ng lingsod noong 2013, ipinag-utos ang pagtatakda ng 40 kph na speed limit sa lahat ng uri ng motor vehicles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.