409 na Filipino sa Sudan, nailikas na

By Chona Yu April 27, 2023 - 11:46 AM

 

(DFA)

 

Aabot sa 409 na Filipino na naiipit sa gulo sa Sudan ang nailikas na ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ito ay matapos isagawa ang mass evacuation sa gitna ng idineklarang tatlong araw na ceasefire sa Sudan.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, base sa ulat na natanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa 409 na Filipino, 335 ang mga overseas Filipino workers at mga miyembro ng pamilya nito ang umalis ng Khartoum at nagtungo sa Egypt sa pamamagitan ng Wadi Halfa Highway.

Nasa 35 OFWs at 15 estudyante naman ang ligtas na nakatawid sa Egypt sa tulong ng mga Filipino sa Sudan at Department of Migrant Workers (DMW).

Nasa Cairo, Egypt ngayon sina DMW Secretary Susan Ople at Undersecretary Hans Leo Cacdac para personal na pangasiwaan ang evacuation efforts at pamamahagi ng ayuda.

Matatandaang naaksidente ang sasakyan nina Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago at Vice Consul Bojer Capati habang tumatawid sa Sudan-Egypt border para tulungan ang mga Filipino evacuees.

Ligtas naman ang dalawang opisyal.

Samantala, patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang Department of National Defense (DND) sa mga concerned agencies para sa pagpapauwi sa mga Filipino sa Sudan.

Ayon kay DND Senior Undersecretary Carlito Galvez, nakipag-ugnayan na siya sa DFA para sa repositioning ng Defense Attaché mula sa United Arab Emirates at Israel para tulungan ang Philippine Embassy sa Cairo para sa evacuataion ng mga Filipino mula Sudan.

Matatandaang mula nang sumiklab ang gulo sa Sudan 11 araw na ang nakararaan, 459 katao na ang nasawi habang nasa 4,072 ang nasugatan.

Itinaas na ng DFA sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Sudan.

 

 

TAGS: Evacuation, filipino, gulo, news, Radyo Inquirer, Sudan, Evacuation, filipino, gulo, news, Radyo Inquirer, Sudan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.