Luzon Grid isinailalim sa Yellow Alert status ng NGCP

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2016 - 12:18 PM

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Dahil sa manipis na suplay ng kuryente, itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert status sa Luzon.

Sa abiso ng NGCP, ang Yellow alert ay nagsimula alas 10:01 ng umaga kanila hanggang alas 12:00 ng tanghali. At muling magaganap mamayang ala 1:01 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon.

Ayon sa Meralco, nagkaroon ng hindi inaasahang pagshutdown sa GN power 2 (302 MW at sa Angat Main 2 (50 MW, kasabay ng Pagbilao 2 (382 MW), Malaya 1 (300 MW) at SLPGC1 (140 MW).

Payo ng Meralco sa mga consumers, para maiwasan ang pagpapatupad ng rotational brownout bunsod ng manipis na reserba ng kuryente, makatutulong ang pagtitipid sa gamit ng enerhiya.

Kabilang dito ang pag-set sa 25 degrees Celsius sa paggamit ng aircon.

Pagtitiyak na nakasara ng maayos ang refrigerator, at iwasa ang pagbubukas-sara nito.

Ang mga commercial at industrial establishments naman na kasali sa Interruptible Load Program ng Meralco ay handa nang gamitin ang kanilang generator sets sakaling kailanganin.

 

TAGS: yellow alert for luzon grid, yellow alert for luzon grid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.