Sumadsad sa dagat na sakop ng Barangay Sulangan, Guiuan, Eastern Samar ang Chinese-flagged bulk carrier, MV ZHE HAI 168.
Base sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) may sakay na 20 tripulanteng Chinese ang naturang carrier. Ito ay may kargang nickel ore at nagmula sa Homonhin Island patungo sa Caofeidian sa China nang maganap ang insidente noong Abril 18. Nagsagawa ng ocular inspection ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Iniulat naman ng Chinese crew na walang pinsalang tinamo ang kanilang sasakyang pandagat. Ngayon araw, inaasahan ang pagdating ng salvage team mula sa Singapore para sa paglilipat ng karga, bago bila babatakin ang naturang bulk carrier. Susuriin naman ng DENR kung may napinsalang corals sa marine protected area para sa posibleng danyos.MOST READ
LATEST STORIES