Villar: Suplay ng bigas sa bansa sapat kahit may El Niño
Kumpiyansa si Senator Cynthia Villar na hindi magkakaroon ng “rice shortage” sa kabila nang pag-iral ng El Nino sa bansa.
Paliwanag niya, bunga ng Rice Tarrification Law, matutugunan ang pangangailangan ng bigas sa bansa.
Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Agriculture, hindi lamang ito dahil sa pag-aangat ng bigas kundi dahil napalakas ng batas ang produksyon ng mga lokal na magsasaka.
Paalala lang din niya may pondo para sa mekanisasyon o distribusyon ng mga kagamitan sa pagsasaka para mapadami ang produksyon.
Dagdag pa ni Villar, nasa batas din ang pamamahagi ng mas magagandang punla para sa mas madami at mabilis na pag-ani.
Sabi pa ng senadora, mag-angkat man ng bigas ang Pilipinas, nakikinabang pa rin ang mga lokal na magsasaka dahil sa kanila napupunta ang malaking bahagi ng buwis na nakukuha mula sa importasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.