Hontiveros: Ayuda muna bago importasyon!

Para kay Senator Risa Hontiveros dapat ay pag-isipan at ikasa muna ang mga programa na makakatulong sa mga lubos na maapektuhan ng El Nino sa halip na mag-angkat at magdagdag ng stock ng bigas ang National Food Authority (NFA).

Aniya dapat unahin na tiyakin ng gobyerno na may nakalaang ayuda  sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Paalala ni Hontiveros, nang manalasa ang El Nino noong 2016, puno ng bigas ang mga bodega ng NFA, ngunit wala naman maipambili ang mga mahihirap.

Pagbabahagi niya nabigyan na ng “go signal” ang pribadong sektor para sa pag-aangkat ng tatlong milyong metriko tonelada ng bigas at may bahagi nito na dumating na sa bansa.

Dapat, dagdag pa ng senadora, sa mga lokal na magsasaka na lamang bumili ng bigas matapos silang bigyan ng sapat na tulong para mapalakas ang kanilang produksyon.

Ito naman aniya ay sa halip na mag-angkat pa ng bigas para magkaroon ng sapat na suplay ng pangunahing butil sa bansa.

Read more...