Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na may sapat na pondo ang gobyerno para mapabalik sa Pilipinas ang daan-daang Filipino na naiipit sa kaguluhan sa Sudan. Aniya may P3 bilyon ngayon taon para sa “repatriation operations” ng gobyerno para sa mga Filipino na nasa ibat-ibang bansa. Kayat aniya hindi isyu ang pondo para sa pag-uwi ng mga Filipino mula sa Sudan at ang malaking intindihin ay ang ligtas na pagtawid ng mga ito patungo sa Cairo, Egypt. Sinabi pa ng senador na kung mangangailangan ng karagdagang pondo ay maaring magpasa ang gobyerno ng supplemental budget o gamitin ang pondo ng ibang ahensiya ng gobyerno. Dagdag pa ni Gatchalian, maari din magamit ng pangulo ng bansa ang calamity fund o iba pang “discretionary funds” para sa kaligtasan ng may 400 OFWs sa Sudan.