Pagtiris sa mga “anay” na pulis ang hamon ni Revilla sa bagong PNP chief
By Jan Escosio April 26, 2023 - 06:53 PM
Hiniling ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., kay bagong PNP Chief Benjamin Acorda na gawing prayoridad sa kanyang pamumuno ang pagsipa sa serbisyo sa mga bugok na pulis.
Kasabay nito ang hamon ni Revilla kay Acorda na agad ayusin ang mga iskandalong kinasasangkutan ng mga pulis para naman maibangon ang imahe ng pambansang pulisya.
“Kailangan unahin ni Chief PNP Acorda na isaayos ang institusyon at kasama niya kami dito. Kailangan alisin na ang mga bugok sa organisasyon, kasuhan ang mga sangkot sa mga anomalya at papanagutin upang hindi na makapanira pa,” sabi pa ng senadora.
Base ito sa mga nabunyag sa mga pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Sen. Bato dela Rosa, ukol sa “political killings,” partikular na ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong nakaraang buwan.
Kabilang sa mga nabunyag sa mga pagdinig ay ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa mga kaso ng pagpatay sa lalawigan at ang kawalan nila ng aksyon sa mga kaso.
Binanggit din ni Revilla ang gagawing pagdinig ukol naman sa diumano’y “cover up” ng mga matataas na opisyal ng PNP sa P6.7 billion “shabu haul” sa Maynila.
“Kailangan natin ibalik ang tiwala ng publiko sa ating pulisya. That can only happen if there is transparency and accountability. Panagutin ang mga dapat managot,” diin nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.