Higit 550 gambling at phishing sites naharang ng Globe sa Q1 2023

Bunga ng pinaigting na kampaniya laban sa mga ilegal na aktibidad sa internet, umabot sa 554 websites na may kaugnayan sa sugal, smishing at phishing ang naharang ng Globe sa unang tatlong buwan ng taon.   Ito ay mas mataas ng 41.3 porsiyento kumpara sa datos sa katulad na panahon noong nakaraang taon, na umabot naman sa 392 domains.   Kasabay nito ang pakikipag-ugnayan ng Globe sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa iba pang law enforcement agencies ng websites na may mga kahina-hinalang aktibidad para sa agarang aksyon.   Mas pinalakas din ng cybersecurity team ng Globe ang mga hakbang upang maharang ang mga online spam at scams partikular na ang may kaunayan sa bank phishing.   Mula Enero hanggang Marso ngayon taon, tumaas ng 2.7 porsiyento sa 4.07 milyon ang bilang ng text messages na naharang ng Globe na may kinalaman sa bank-related scams kumpara sa 3.97 milyon sa katulad na panahon noong 2022.   Simula naman noong Enero 2022 hanggang Enero 2023, nasa 85 milyon na bank-related scam at spam messages ang naharang ng Globe at bahagi ito ng tatlong bilyong scam at spam messages na naharang sa loob lamang ng isang taon.   “We do not tolerate illegal and fraudulent activities that compromise the safety and security of our customers. We remain committed to leveraging our technological capabilities to detect and prevent such activities and to constinously invest in tools and resources  that enhance our ability to protect our users. Our goal is to provide a trusted and secure digital platform that our customers can rely on,” sabi ni Globe Chief Information Security Officer Anton Bonifacio.

Read more...