Cleveland Cavaliers nagawang mapaabot sa Game 7 ang NBA Finals matapos talunin ang Warriors

Twitter Photo NBA TVUmabot pa sa game 7 ang NBA Finals ngayong taon, matapos talunin ng Cleveland Cavaliers ang Golden State Warriors sa Game 6.

Sa score, 115-101, tinalo ng Cavaliers ang Warriors sa katatapos na game 6, dahilan para mabigo pa ang Warriors na makuha ang inaasam na back-to-back na kampeonato.

Pinahirapan ng husto ng Cavaliers ang Warriors na hindi man lamang nagawang makalamang sa puntos mula sa 1st quarter.

Ilang beses ding umabot sa 20 puntos ang lamang ng Cavalier sa Warriors.

Pagsapit naman ng 4th quarter, graduate si MVP Stephen Curry matapos na  makaamin na foul.

Read more...