13,866 indibidwal , binigyan ng ayuda ng DSWD

By Chona Yu April 26, 2023 - 04:26 PM

 

(File photo)

Nasa 13,866 indibidwal mula sa Cagayan Valley ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.

Nasa P41.1 milyong pondo ang ipinamigay ng DSWD. Kinuha ang pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay galing sa mga probinsya ng Batanes, Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Ginamit ang ayuda para sa medical needs, funeral expenses at hospitalization at iba pa.

Kasama sa mga namahagi ng ayuda si Senador Imee Marcos at mga lokal na opisyal.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, patuloy na bibigyan ng tulong ng kanilang hanay ang mga Filipino na nangangailangan.

Pagtalima na rin aniya ito sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat isa.

 

TAGS: ayuda, dswd, Imee Marcos, news, Radyo Inquirer, rex gatchalian, ayuda, dswd, Imee Marcos, news, Radyo Inquirer, rex gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.