Aabot sa 221 na magsasaga ang nabigyan ng titulo ng lupa sa Silay City, Negros Occidental.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, natanggap na ng 221 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang kanilang certificates of land ownership award (CLOA).
Nabatid na dating pagmamay-ari nina Pacita Gayoso et al., Celina Garcia, Letecia G. Parreño, at Florentina Gaston na may Title Numbers na T-9798, 9800, T-9416, 8142, at T-4689 na nakatalaga sa Lot Nos. 853, 672- B, 665- B-2, 755-A-2, at 665-A-1 ang mga ipinamahaging lupa.
Nasa 150.5047 ektarya ang kabuuang lupa na matatagpuan sa Barangay Hawaiian, Hda Dacudao, Hda. Cabungahan at Hda. Cabungahan; Barangay E. Lopez, Silay City.
Ang aktibidad ay naaayon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng liderato ni DAR Secretary Conrado Estrella III, na mabigyan ng lupain ang mga mgasasakang walang lupa.
Ayon kay Clytemnestra Refugio, Municipal Agrarian Reform Program Officer, na ang mga ARB ay kinikilala ng mga landowner ngayon dahil sa tinanggap nilang titulo ng lupa.
“Binabati ko kayong lahat. Sana ay mapagbuti ang kalidad ng inyong pamumuhay ng lupain ito at tayo ay magtulungan upang magkaroon kayo ng masaganang mga ani,” aniya.
Idinagdag pa ni Refugio na ang DAR ay may mandato na isailalim ang mg pampubliko at pampribadong lupang agrikultural para maipamahagi sa mga nangungupahang magsasaka, manggagawang bukid at iba pang magsasaka na kwalipikadong maging ARB. Ang patunay bilang nagmamay-ari ng lupa ay ibinibigay sa pamamagitabn ng CLOA na sumasakop sa isang (1) parsela ng lupa na aabot hanggang tatlong (3) ektarya bawat ARB.
Sinabi niya na ang DAR ay patuloy na tutulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilan ng kinakailangan nilang suportang serbisyo.