Thunderstorm Advisory nakataas sa Metro Manila batay sa 11:25AM advisory ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2016 - 11:47 AM

Thunderstorm AdvisoryItinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa 11:25AM advisory ng PAGASA, apektado ng malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, ang lalawigan ng Rizal, ang Batangas City, mga bayan ng Obando, Dona Remedios at Trinidad sa Bulacan at ang ilang bahagi ng Laguna at Quezon.

Tatagal ang umiiral na thunderstorm sa nasabing mga lugar sa loob ng isa hanggang dalawang oras.

Samantala sa susunod na dalawang oras naman ay makararanas din ng thunderstorm sa lalawigan ng Cavite, at sa iba pang bahagi ng Bulacan at Batangas.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa malakas na pag-ulan na may kasamang malakas na hangin, kulog at kidlat at posibleng flashfloods.

Excerpt:

TAGS: thunderstorm advisory, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.