Grand Lotto jackpot, aabot sa P139M bukas

lottoInaasahang pipilahan ng mga lotto bettor ang Grand Lotto 6/55 bukas, June 18.

Ito ay dahil sa inaasahang papalo sa P139 million ang jackpot prize sa Grand Lotto.

Ito ay matapos ang ilang magkakasunod na draw na walang nanalo sa 6/55 lotto.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), noong Miyerkules ay wala pa ring nanalo sa Grand Lotto dahilan para madagdagan ng halos P5 milyon ang premyo.

Sa Sabado magaganap ang susunod na draw para sa Grand Lotto.

Read more...