Facebook at TikTok hindi magagamit sa mga hindi rehistradong SIM card

 

 

Mawawalan ng access sa sikat na social media sites gaya ng Facebook at TikTok ang hindi magpapa-rehistro sa SIM card.

Pahayag ito ni Department of Information and Communications and Technology Secretary Ivan Uy matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng 90 araw ang deadline ng SIM card registration.

Ayon kay Uy, magiging gradual ang pagpapataw ng parusa ng mga telecommunications company para sa mga hindi magpaparehsitro ng SIM card.

Marami kasi aniya sa mga Filipino ang matitigas ang ulo.

“We will observe the rate of registration and after a certain period, we’re seeing maybe 30 days or 60 days into registration, we will start deactivating some services on the SIM card,” pahayag ni Uy.

“Let’s say after 60 days, you will lose your access to your Facebook accounts or your TikTok accounts. You can still use your phone, you can still call, you can still text and then after a certain period, you will lose your outgoing calls so that way, ramdam niyo kung ano effect na di kayo nagpaparehistro,” dagdag ni Uy.

 

 

Read more...