95 katao kabilang ang 19 na menor de edad, inaresto sa Pasig City

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2016 - 08:47 AM

(FILE) Twitter Photo / Mandaluyong Police
(FILE) Twitter Photo / Mandaluyong Police

Aabot sa 95 katao kabilang na ang 19 na menor de edad ang dinakip sa isinagawang “One Time Big Time” operation sa  Pasig City.

Ang mga menor de edad na dinakip ay dinala sa presinto dahil sa paglabag sa ordinansa sa curfew na nagbabawal sa mga kabataan na magpakalat-kalat sa lansangan paglapas ng alas 10:00 ng gabi.

Nasa 64 naman ang ikinulong dahil sa paglabag sa ordinansa na nagbabawal sa pag-inom sa lansangan at paglabas ng bahay ng walang suot na pang-itaas.

Walo sa mga nadakip ay natuklasang nahaharap sa warrant of arrest dahil sa mga kaso ng attempted homicide at carnapping, habang mayroong tatlo na naaktuhang nagpa-pot session.

Ayon kay Police Senior Supt. Ariel Arcinas, hepe ng District Directorial Staff, ang kanilang operasyon ay bahagi ng direktiba ni PNP Chief Ricardo Marquez na paigtingin pa ang kampanya laban sa krimen at mas mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa.

Dinala sa EPD Multi-Purpose Hall ang mga suspek habang ang mga menor de edad naman ay nai-turn over sa Department of Social Welfare and Development.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.