Sinabi ng Department of Education (DepEd) na awtorisado ang namumuno sa eskuwelahan na suspindihin ang face-to-face classes dahil sa matinding init ng panahon.
Sinabi ni Michael Poa, ang tagapagsalita ng DepEd, kapalit nito ay alternative learning methods para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, maging ng mga guro at iba pang kawani ng eskuwelahan.
“We already gave the authority or the discretion to our school heads to suspend in-person classes and switch to what we call alternative delivery modes in case the learning environment is no longer conducive,” ani Poa sa panayam sa telebisyon.
Pagtitiyak nito handa ang mga pampublikong paaralan na magpatupad ng ibang pamamaraan ng pagtuturo.
Hinikayat din niya ang mga pribadong paaralan na magpatupad na katulad na hakbangin para na rin sa proteksyon ng mga mag-aaral sa napakataas na temperatura ng panahon.