SIM Registration ikinukunsidera ng DICT na palawigin

By Jan Escosio April 25, 2023 - 09:17 AM

 

 

Hindi isinasantabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibilidad na mapalawig ang SIM card registration.

Base sa batas, hanggang bukas, Abril 26, ang deadline ng pagpaparehistro ng SIM card.

“Nagpulong kami ng mga telco and stakeholders, ang report po ay may ilan pa pong mga kababayan na hindi pa makapag rehistro dahil sa iba’t-ibang mga rason. Kino-consolidate pa namin ang report at bukas ay may final meeting kami,” sabi ni DICT Sec. John Uy sa isang panayam sa radyo.

“Pagkatapos ay doon kami mag aanunsyo kung may extension man o kung gaano kahaba ang extension na ibibiga ,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng kalihim na 50/50 ang posibilidad na mapalawig ang deadline.

Nakasaad sa RA 11934 o ang SIM Registration Act, may kapangyarihan ang DICT na palawigin ang pagpaparehistro ng SIM hanggang 120 araw o tatlong buwan.

Aniya habang tumatagal ang pagpaparehistro, lumalawig din ang mga krimen gamit ang SIM.

“We want the SIM registration period to be completed so that these scammers will disappear,” aniya.

TAGS: dict, news, Radyo Inquirer, SIM card, dict, news, Radyo Inquirer, SIM card

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.