Globe: Safe ang GCash accounts sa SIM registration’s updates

By Jan Escosio April 24, 2023 - 07:28 PM

Fake news!

Ito ang pagsasalarawan ng Globe ukol sa mga kumakalat na impormasyon na mawawala ang laman sa GCash accounts bunga ng “updates” kaugnay sa deadline ng SIM registration.

Sinabi ng Globe at GCash ng walang dahilan para mag-panic at mag-cash out ang mga gumagamit ng naturang e-wallet app.

Hinikayat na lamang nila ang kanilang subscribers na irehistro ang kanilang SIM para hindi maantala ang paggamit ng kanilang e-wallet accounts

Sa ngayon may 79 milyong Filipino na ang gumagamit ng GCash app.

Maaring magparehistro ng SIM sa Globe SIM Registration website sa mga prepaid users at ang postpaid account holders naman ay maaring mag-text sa 8080.

Siniguro naman GCash na ligtas ang mga account at ang laman nito habang patuloy ang proseso ng SIM registration. Gayundin, tanging ang mga telco providers lamang ang awtorisadong magproseso ng SIM registration at hindi kailanman hihingin ng GCash ang mga personal na impormasyon sa pamamagitan ng tawag, pagpapdalang links, text messages, at email.

TAGS: e-wallets, GCash, Globe, registration, sim, e-wallets, GCash, Globe, registration, sim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.