Magnitude 5.5 earthquake naitala sa Agusan del Norte

PHIVOLCS PHOTO

Niyanig ng Magnitude 5.5 earthquake ang Nasipit, Agusan del Norte ngayon hapon.

Sa paunang impormasyon mula sa Phivolcs, 5:32 kaninang hapon nang maganap ang pagyanig sa dagat na sakop ng Nasipit. Nairehistro ito sa lalim na 35 kilometro sa layong 21 kilometro kanluran ng Nasipit. Base sa instrumental intensities, naramdaman ito ng Intensity IV sa Cabadbaran City, Agusan del Norte at Intensity II naman sa Surigao City sa Surigao del Norte. Walang inaasahan na pinsalang idinulot ang lindol, ngunit inaasahan ang “aftershocks.”

Read more...