Magnitude 5.5 earthquake naitala sa Agusan del Norte
By Jan Escosio April 24, 2023 - 06:53 PM
Niyanig ng Magnitude 5.5 earthquake ang Nasipit, Agusan del Norte ngayon hapon.
Sa paunang impormasyon mula sa Phivolcs, 5:32 kaninang hapon nang maganap ang pagyanig sa dagat na sakop ng Nasipit. Nairehistro ito sa lalim na 35 kilometro sa layong 21 kilometro kanluran ng Nasipit. Base sa instrumental intensities, naramdaman ito ng Intensity IV sa Cabadbaran City, Agusan del Norte at Intensity II naman sa Surigao City sa Surigao del Norte. Walang inaasahan na pinsalang idinulot ang lindol, ngunit inaasahan ang “aftershocks.”Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.