PBBM Jr., ipapakiusap kay Biden ang VFA, MDT

By Chona Yu April 24, 2023 - 01:39 PM

FILE PHOTO

Ihihirit ni Pangulong  Marcos Jr. kay US President Joe Biden na tingnan muli at rebisahin ang Philippines – US Visiting Forces Agreement (VFA) at  Mutual Defense Treaty (MDT).

Gagawin ito ng Pangulo sa pagbisita sa Washington, D.C sa Abril 30 hanggang Mayo 4 at sa  Mayo 1 nakatakda ang bilateral meeting ng dalawang lider.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna ng tumataas na tensyon sa Southeast Asian Region.

“Titingnan din ‘yung ating VFA and the MDT with the US. We have to evolve it. Kailangan ina-adjust adjust natin yan dahil may pagbabago rin sa sitwasyon na hinaharap natin sa South China Sea sa gitna ng mga pangyayari sa Taiwan, sa North Korea, lahat ito na medyo umiinit ang sitwasyon dito sa atin,” pahayag ng Pangulo.

Masyado na kasi aniyang mabigat ang usapan ngayon at nagkakabitawan na ng maanghang na salita.

Inaalala aniya ng Pilipinas ang Amerika dahil sa pagiging partner nito. Tatalakayin din nina Pangulong Marcos at Biden ang usapin sa climate change.

TAGS: MDT, US, VFA, MDT, US, VFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.