Pinag-aaralan pa ni Pangulong Marcos Jr. ang hirit na ibalik sa Marso ang bakasyon ng mga estudyante.
Sa bagong school calendar, inilipat sa Hulyo at Agosto ang pagtatapos ng klase ng mga estudyante.
Ayon sa Pangulo, maari namang baguhin ang school calendar lalot tapos na ang mga ipinatupad na lockdown dahil sa pandemya sa COVID-19.
Hindi maikakaila aniya na kapag tinatanong ang mga estudyante kung ano ang name-miss nila, ang sagot ng mga ito ay ang eskuwelahan at ang mga kaklase.
Pero sabi ng Pangulo, kailangan pa rin na ikunsidera ang mga kaso ng COVID-19 lalot tumataas na naman ang bilang ng mga nagpopositibo, bukod sa pabago-bago ang lagay ng panahon sa bansa.
“Pero palagay ko, ‘yang diskusyon na ‘yan madedesiyunan ‘yan very soon on what will be the — ano ‘yung tama. Binabagay kasi natin talaga ‘yan sa ano eh — binabagay natin ‘yan sa seasons eh. ‘Yun ang naging problema, kung ibabalik o hindi dahil hindi nga — hindi na masabi kung kailan mag-uumpisa ang ulan, kung kailan magiging mainit,” sabi pa ng Pangulo.
Malaking factor kasi aniya ang climate change na nararanasan ngayon.