Pope Francis nanawagan ng diyalogo sa magka-away na grupo sa Sudan

By Jan Escosio April 24, 2023 - 01:19 PM

POPE FRANCIS FB PHOTO

Hinikayat ni Pope Francis ang dalawang magka-away na grupo ng militar sa Sudan na mag-usap.

Dalawang linggo na ang mga madugong sagupaan sa Sudan at labis ng nababahala ang Santo Papa.

“Unfortunately the situation remains grave in Sudan. That is why I am renewing my call for the violence to stop as quickly as possible and for dialogue to resume,” ang pahayag ng Santo Papa sa  traditional Sunday prayers sa Saint Peter’s Square sa Vatican City, Rome.

Hinikayat din niya ang lahat na ipagdasal ang mga Sudanese.

Ilan bansa, kabilang ang France, Italy, Turkey at US, ay sinimulan na ang paglilikas sa kanilang mamamayan sa Sudan.

Higit 400 na ang nasawi sa mga sagupaan at libo-libo na ang sugatan.

Nag-ugat ang sagupaan sa pagitan ng mga puwersa nina Army chief Abdel Fattah al-Burhan’s forces at Rapid Support Forces (RSF) ng kanyang dating deputy na si   Mohamed Hamdan Daglo sa plano na “imtegration” ng RSF sa Army.

Nabatid na kabilang ito sa mga kondisyon nang pabagsakin noong 2019 ang administrasyon ni Omar al-Bashir.

TAGS: pope francis, Sudan, war, pope francis, Sudan, war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.