Walang pagsirit ng COVID 19 cases sa 26 probinsiya – DOH
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID 19 sa 26 lalawigan sa bansa.
Ayon sa pahayag ng kagawaran, nanatili lamang ang Alert Level 2 status sa mga nabanggit na lalawigan na nagsimula noon pang nakaraang Hunyo.
Sa mga naglabasang ulat, may resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) noong Abril 14, tna nagsabing ang mga naturang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 2:
- Benguet
- Ifugao
- Quezon Province
- Palawan
- Camarines Norte
- Masbate
- Antique
- Negros Occidental
- Bohol
- Cebu province
- Negros Oriental
- Leyte
- Western Samar
- Lanao del Norte
- Davao de Oro
- Davao del Norte
- Davao del Sur
- Davao Occidental
- North Cotabato
- Sarangani
- Sultan Kudarat
- Dinagat Islands
- Basilan
- Maguindanao
- Sulu
- Tawi-Tawi
Paliwanag pa ng kagawaran, ang mga naturang lalawigan ay may mababang COVID 19 cases at utilization rates at mababa sa 70 porsiyento ang kanilang vaccination rate sa target population at 70 porsiyento ng mga nasa A2 (Senior Citizens) ang bakunado.
Kung tataas lamang ang vacciination rates, ayon pa sa DOH, ay maaring bumaba sa Alert Level 1 status ang mga nabanggit na lalawigan.
Paalala ng DOH, magpaturok na ang mga “unvaccinated,” gayundin ng booster shots.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.