Suspek sa panggagahasa sa dalawang pasahero ng colorum van, napatay ng mga pulis

June 17, 2016 - 05:15 AM

 

Inquirer file photo

Napatay ng mga alagad ng Quezon City Police ang ikalawang suspek sa kaso ng panggagahasa sa dalawang kababaihan habang sakay ang mga ito ng isang colorum van sa Quezon City dakong alas 4:00 ng madaling araw, kanina.

Sa inisyal na ulat, nasawi ang suspek na si Alfie Turado alyas ‘Buddy’ makaraang magtangka umanong mang-agaw ng baril sa kanyang mga police escort habang sakay ito ng mobile patrol ng Criminal Investigation  and Detection Unit  QCPD.

Una rito,  naaresto si  alyas ‘Buddy’ sa Bgy. Obrero sa lungsod Quezon  dakong alas-2:00 ng madaling araw sa tulong ng ilang concerned citizens at mga opisyal ng barangay.

Nadala pa ang suspek sa tanggapan ng QCPD-CIDU at naipresinta pa sa mga mamamahayag.

Gayunman, nang isama itong muli ng mga pulis  sa kanilang mobile upang ituro umano ang ilang mga gamit na kanyang ninakaw sa mga biktima,  dito na umano ito nanlaban ang suspek kaya’t napatay ito ng mga pulis.

Si alyas ‘Buddy’ ang isa pa sa mga itinuturong suspek na halinhinang gumahasa  sa dalawang dalagang pasahero ng isang colorum van habang umaandar ang naturang sasakyan at naglilibot sa northern part ng Metro Manila.

Una nang naaresto ang unang suspek na si Wilfredo Lorenzo na positibong kinilala ng dalawang biktima na siyang gumahasa sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.