Red tide alert sa Bohol, Samar, Zambo del Sur at Surigao del Sur
Positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang mga shellfish na nakokolekta sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi ligtas na kainin ang lahat ng uri ng shellfish lalo na ang alamang.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango.
Pero ayon sa BFAR, kinakailangan na hugasan ng mabuti, alisin ang hasang at kaliskisan at lutuing mabuti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.