Reporter ng Tribune panalo sa kaso

By Chona Yu April 24, 2023 - 09:48 AM

 

Inatasan ng National Labor Relations Commission ang pamunuan ng The Daily Tribune na bayaran ng kaukulang benepisyo ang dating reporterna si Gab Humilde Villegas.

Naghain ng reklamo si Humilde Villegas laban sa pahayagan matapos madiskubre na hindi binabayaran ng kompanya ang kanyang Social Security System, PAG-IBIG at Philippine Insurance Corporation ng mahigit isang taon.

Ipinag-utos din ng NLRC sa Daily Tribune na bigyan ng Humilde Villegas ng 13th month pay.

Nabatid na si Attorney Noel Neri ng Pro-Labor Legal assistance Group ang nag-representa kay Humilde Villegas.

Ikinalugod naman ng National Union of Journalists of the Philippines ang naging desisyon ng NLRC.

Pinaalalahan din ng NUJP ang mga may-ari ng media organizations na igalang ang karapatan ng mga mamahayag.

Bukod sa 13th month pay, hiiling din ni Humilde Villegas na mabayaran rin siya ng moral at exemplary damages gayundin ang pagkuha niya ng aboagado.

 

TAGS: news, nlrc, payment, Radyo Inquirer, news, nlrc, payment, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.