Inatasan na ni president-elect Rodrigo Duterte si incoming presidential legal adviser Salvador Panelo na simulan na ang proseso para ipamahagi sa mga magsasaka ang milyun-milyong pisong Coco Levy Fund.
Kinumpirma ito ni incoming Agriculture Secretary Manny Piñol matapos niyang hilingin sa papasok na pangulo na magpalabas ng “policy statement” sa usapin ng coconut levy.
Ang nasabing usapin ay naipangako ni Duterte noong panahon ng kampanya at naniniwala umano ito na “emotional issue” para sa mga magsasaka ng niyog ang nasabing usapin kasama na ang kanyang ina.
Sa desisyon ng Korte Suprema noong 2012, iginiit nito na dapat na mapakinabangan na ang coco levy assets ng libo-libong magniniyog.
Taong 2015 naman nang magpalabas ng Executive Order si Pangulong Aquino para i-privatize ang nasabing pondo pero sinuspindi ito ng mataas na hukuman.
Ang coco levy fund ay sinasabing ginamit ng tiyuhin ni Pangulong Aquino na si Danding Cojuangco para sa kanyang mga negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.