Benjamin Acorda Jr., bagong PNP chief

Itinalaga ni Pangulong  Marcos Jr.  si Police Major General  Benjamin Acorda bilang ika-29 hepe ng  Philippine National Police (PNP).

Papalitan ni Acorda si Gen. Rodolfo Azurin Jr. na magreretiro ngayon araw.

Miyembro ng PMA Sambisig Class of 1991 at siya ang namumuno sa PNP Directorate for Intelligence bago siya mapili ni Pangulong Marcos Jr., upang pamunuan ang pambansang pulisya.

Kababayan ni Pangulong Marcos Jr., si Acorda sa Ilocos Norte.

Ang kanyang ama si Atty. Benjamin Acorda Sr., ay naging tauhan ng Philippine Air Force, samantalang ang kanyang lolo, si Capt. Felipe Casuga, ay namatay sa pakikipaglaban sa puwersa ng Hapon noong 1944.

Magreretiro sa serbisyo si Acorda sa darating na Disyembre.

 

Read more...