Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Police Major General Benjamin Acorda bilang ika-29 hepe ng Philippine National Police (PNP).
Papalitan ni Acorda si Gen. Rodolfo Azurin Jr. na magreretiro ngayon araw.
Miyembro ng PMA Sambisig Class of 1991 at siya ang namumuno sa PNP Directorate for Intelligence bago siya mapili ni Pangulong Marcos Jr., upang pamunuan ang pambansang pulisya.
Kababayan ni Pangulong Marcos Jr., si Acorda sa Ilocos Norte.
Ang kanyang ama si Atty. Benjamin Acorda Sr., ay naging tauhan ng Philippine Air Force, samantalang ang kanyang lolo, si Capt. Felipe Casuga, ay namatay sa pakikipaglaban sa puwersa ng Hapon noong 1944.
Magreretiro sa serbisyo si Acorda sa darating na Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.