Sports sa Cavite City muling sumigla

By Jan Escosio April 23, 2023 - 01:08 AM

Sumipa na ang 1st Mayor Denver Chua Football tournament  sa Montano Hall Oval sa Cavite City

Pinasimulan ni Mayor Denver Chua ang dalawang araw na torneo.

Layon nito na mahikayat ang mga kabataan na magroon ng pisikal na aktibidad at hindi nakababad sa kanilag cellphone.

May 60 koponan ng may edad apat pataas ang kalahok at ang mga ito ay mula sa lungsod at ibat-ibang dako ng bansa.

Ang torneo ay kasunod ng idinaos sa lungsod na  Baseball at Softball RAAM 2023 nong nakaraan buwan lamang.

Ayon kay Chua ito ay patunay lamang ito na talagang masigla na ang sports sa kanilang makasaysayang lungsod.

TAGS: Cavite City, football, Kabataan, sports, Cavite City, football, Kabataan, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.