(PPA)
Nagkausap na sa Palasyo ng Malakanyang sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese State Councilor at Foreign Minister Qin Gang ngayong hapon.
Nasa bansa si Qin para sa tatlong araw na official visit.
Wala pa namang inilalabas na pahayag ang Palasyo kung ano ang pinag-usapan nina Pangulong Marcos at Qin.
Una rito, nakausap ni Qin si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Ayon kay Manalo, hindi kabuuan ng relasyon ng China at Pilipinas ang usapin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Manalo, ang hindi pagkakaunawaan sa West Philippine Sea ay hindi dapat na maging hadlang para epektibong mapakinabangan ang karapatan ng mga Filipinong mangingisda.
Sa panig ni Qin, sinabi nito na handa ang China na ipatupad kung ano man ang magiging consensus ng dalawang bansa.