Publiko hinimok ni Pangulong Marcos na makiisa sa Earth Day

By Chona Yu April 22, 2023 - 02:59 PM

 

 

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na makiisa sa Earth Day na isinasagawa ngayong araw.

“Ngayong Earth day, inaanyayahan natin ang publiko at kapwa nating lingkod bayan na makiisa sa pandaigdigang aksyon laban sa climate change,” pahayag ng Pangulo.

Sabi ng Pangulo, buo ang suporta ng administrasyon sa mga programa at polisiya para sa kalikasan.

Taunang isinasagawa ang Earth Day kung saan hinihikayat ang lahat na magtipid sa paggamit sa kuryente para mapangalagaan ang kalikasan.

 

TAGS: climate change, Earth Day, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, climate change, Earth Day, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.