US arms sa EDCA sites, bawal! – DFA chief

By Jan Escosio April 20, 2023 - 05:43 PM
Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi magagami ng Amerika ang mga pasilidad na sakop ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sakaling sumiklab ang digmaan  sa Taiwan. Sa  pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, natanong ni Sen. Imee Marcos si Manalo kung sa ilalim ba ng kasunduan ay pahihintulutan ang US na mag imbak sa ating teritoryo ng mga armas o anumang kagamitan na magagamit nila sa pagtulong sa gulo sa Taiwan. Tugon ni Manalo, sakaling mangyari ito ay gagabayan tayo ng pangunahing layunin ng EDCA at hindi papayagan ng Pilipinas ang anumang aktibidad o materyales na hindi nakasaad sa mga napagkasunduang mga aktibidad Giniit ng kalihim na hindi nakatuon o layong magamit ang EDCA sa anumang ibang bansa maliban para sa pakinabang ng Pilipinas. Binigyang diin ni Manalo na ang pangunahing foreign policy ng Pilipinas ay ang maging kaibigan sa lahat.

TAGS: EDCA, foreign policy, Senate, Taiwan, EDCA, foreign policy, Senate, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.